Suriin Nang Husto Ang Mga Kandidato

Piliin natin ang mga dapat manungkulan nang may batayan

Subscribe to RSS feed

Namamako Na Naman Sila!

, , , ...

Nangangako na naman ang mga tumatakbong kandidato sa pamamahala ng ating bansa, ng mga lalawigan, ng mga distrito at mga bayanan. Sinusuyo nila ang mga boto o pagsang-ayon natin sa kanilang mga plataporma de gobyernong tawag.

Walang bago sa mga pangako. Dati na ang mga plataporma. Ilan lamang ang tumupad.

Mula dito, isa-isa nating suriin kung sino sa mga pulitiko ang talagang may tapat na hangarin para sa tunay na kaunlaran ng nakararaming mamamayan at hindi lang ng iilan.

Sikapin nating himayin ang kalooban, karanasan at kakayanan ng bawat isa sa kanila batay sa mga nababasa, naririnig at napapanood natin. Tiyakin nating kumalap ng tunay na dokumento.

Ang mga kandidato sa mga pambansang pwesto ang matutumbok ng talakayang ito. Kung may masusuri tayong mga lokal na kandidato, pagtuunan din natin ng pansin.

Huwag tayong basta padadala sa mga patalastas (advertisements), mga pagkatig (endorsements) o mga pagsiyasat (surveys).

Mag-aral tayo ngayon bago maghalal sa Mayo 10, 2010.
May 2012
M T W T F S S
April 2012June 2012
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31