My Opera is closing 3rd of March

the reason

Trishean Acosta
DEAR KUYANG TAIWANESE
Alam ko sa mga oras na ito ay gigil
na gigil
kayo sa aming mga Pilipino. Kasi
siguro,
napanood niyo sa balita sa inyo na
binaril
ng aming coast guard ang inyong
mga
barkong pangingisda at napatay pa
ang
isang kawawang 65 taong gulang na
mangingisda.
Siguro kung ako din ay Taiwanese,
magagalit din ako kung ito ang
mapapanood ko sa TV ko. Baka
masira ko
pa ang TV ko sa galit. Pero kung
made in
Taiwan naman ang TV ko, malamang
masisira lang iyang mag-isa.
Kaya nga marami ka na ring mga
kababayan
ang galit sa amin at naglagay ng mga
masasakit at mapanlait na salita sa
aming
mga Pilipino. Kesyo hindi niyo na
bebentahan ang mga Pilipino sa mga
palengke nyo. E kung di rin pala
kayo
engot, e kaya namalengke yung
Pinoy e
kasi inutusan siya ng amo niyang
Taiwanese. Sinong ginutom niyo?
Buti na lang mala-anime ang sulat
niyo at
di namin naintindihan. Tip lang ha,
kung
gusto niyong insultuhin ang isang
tao,
siguraduhin niyong naiintindihan
niya ito.
Sulat nga kayo ng sulat sa papel, e
ching-
chung-hwa lang ang nababasa namin
sa
mga sinulat. Wala din. Epic fail, ika
nga.
Buti na lang may nagtranslate para
sa
amin. Ang nakalagay daw doon sa
isang
nakasulat ay: "Filipinos: Huwag niyo
kaming barilin." Huwag niyo naman
kaming
lahatin. Buti nga di niyo pa nakilala
ang
mga Ampatuan namin. Hindi lang
sila
nambabaril, libre libing pa.
Pero paano yan Kuya Taiwanese,
maraming
naaresto dito sa Pilipinas na mga
Druglord
na Taiwanese, so katulad ng
ginagawa
ninyo ngayon, puwede rin ba
naming
sabihin na lahat ng Taiwanese mga
druglord? Kaya pala kami
namamaril.
Hindi namin gusto makipag-away.
Kung
tutuusin nga, nagulat kami sa balita.
Kasi
kuya, medyo busy kami ngayon sa
eleksyon
namin. Super busy kami dahil
nagalit kami
at nanalo si Nancy Binay. Actually,
nung
time na nagkaroon ng gulo, busy
kami ka-
popost at kababasa ng mga panlalait
kay
Ate Nancy sa Facebook. Kaya
surprised
kami na galit ka na pala.
At para mapansin kayo, pinarusahan
niyo
kami sa pamamagitan ng inyong
"economic
sanctions." Wow, akala ko North
Korea at
Iran lang ang binibigyan ng
economic
sanctions, pati Pilipinas din
nakaexperience
na rin nito. Kasama sa inyong mga
parusa
sa amin ay ang hindi na pagbibigay
ng visa
sa mga papasok diyan na mga Pinoy
na
OFW's para magtrabaho,
pinagbawalan niyo
na rin bumiyahe ang mga Taiwanese
papunta sa Pinas, at maraming iba
pa.
Ang masakit pa diyan, nakarinig na
rin kami
na pinag-iinitan ninyo ang mga
Pinoy diyan.
Meron na kaming narinig na
binugbog,
kinulong sa CR at tinaggal sa
trabaho. Ito
ang tanong namin: Sabihin natin na
demonyo kaming mga Pilipino dahil
nakapatay nga kami ng isa sa inyo,
pero sa
tingin niyo ba sa mga ginagawa niyo
nagmumukha kayong anghel?
Balikan natin, ano ba ang nangyari?
Sabi sa
report, una, may mga barko ang
Taiwan na
pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Hindi
lang pumasok, tinangka pa nilang
banggain
ang barko namin na nagbabantay
(BFAR
MCS Vessel) nung sinita sila. Yun na
nga
lang ang barko naming hindi pa
lumulubog,
babanggain niyo pa? Tapos,
nagpaputok
ang mga coast guard namin para
matigilan
ang barkong Taiwanese na banggain
sila,
pero tumuloy pa rin yung barko sa
tangka
nilang pagbangga sa aming barko.
Dahil
wala nang choice ang aming mga
coast
guard, binaril nila yung makina ng
barkong
pabangga sa kanila para tumigil ito.
Sa
kasamaang palad, tinamaan at
namatay ang
isang Taiwanese na mangingisda na
sakay
ng barkong ito.
Namatayan kayo ng isang
mangingisda. At
alam ko, mahalaga ang buhay. Kaya
nga
nag-apologize ang aming
pamahalaan sa
inyo. Kayo ba, nagapologize sa amin
sa
kada buhay ng Pinoy na nasira dahil
sa mga
droga ng Druglord nyo? Pero, sa
ngalan ng
87,000 na OFW na inosenteng
nagta-
trabaho diyan sa Taiwan, nag-sorry
ang
pamahalaan namin kahit kami ang
pinasukan ng teritoryo. Pero ano
ang
ginawa niyo? Di niyo pinansin at
inisnab
nyo. Nagmukhang tanga ang
pamahalaan
namin sa pag-isnab ninyo.
Kasalanan naman din kasi ito ng
gobyerno
namin. Nagpahawak kasi ang
gobyerno
namin sa leeg sa inyo. Kailangan e,
ang
dami kasi naming OFW dyan. Hindi
lang
OFW ang umaasa, kundi yung mga
pamilya
nilang naghihintay dito. Gusto niyo
ba
pauwiin lahat ng Pinoy dyan? Oo,
maapektuhan at masasaktan kami,
pero
alam niyo, kayo din. Magsasarado
ang mga
factory at planta niyo diyan. Sino
tinakot
nyo? Kami lang ang pumapatol sa
maliit na
sahod nyo. Yung travel ban nyo,
kami ba
masasaktan? Madami ng Koreano
dito huy,
buhay na kami! Isipin nyo na lang
yung
airline niyong malulugi.
Naaalala nyo ba, nung humiwalay
kayo sa
China noon, ang Pilipinas ang unang
kumampi sa inyo? Kahit di kayo
tinuring na
isang bansa (hanggang ngayon) ng
China,
nakipagkalakal kami sa inyo kahit
ayaw ng
China? Magkaibigan kasi tayo mga
'tol at
kami ang isa sa mga unang kumilala
sa
inyo. Bakit ba hard to get ang
drama niyo?
Pinauwi niyo pa yung "ambassador"
niyo
dito, at pinalayas niyo ang
"ambassador"
namin diyan. Usually, sign na yan
bago mag
gera. Hinahamon niyo ba kami? Di
kami
aatras. Hindi nyo ba alam na may
Black-
Ops ang Pilipinas? Ayun o,
kakapanalo lang
sa eleksyon.
Ginawa na ng Pilipinas ang lahat ng
dapat
niyang gawin sa mata ng
diplomasya. Ano
ba ang gusto niyo, pumunta dyan
ang
aming pangulo para lumuhod sa
inyo?
Excuse me. Si Kris Aquino lang ang
niluluhuran ng presidente namin.
Atsaka
paki sabi naman sa Kuya President
nyo na
si Ma Ying-jeou, na kung mababa
ang
survey ratings nya, huwag niyang
gawing
punching bag ang Pilipinas para
makakuha
ng pogi points.
Paalala ko lang ha. Noong World
War 2,
maraming sundalong Taiwanese ang
kasama sa hukbo ng Hapon nung
sakupin
nila ang Pilipinas. Nagsorry na ba
kayo sa
mga kahayupang ginawa niyo noon?
Yung
mga OFW na namamatay diyan every
year
dahil sa abuso ng amo, nagsorry din
ba
kayo? Yung mga gamit namin na
made in
Taiwan na dalawang linggo lang ay
sira na
agad, nagsorry na din ba kayo?
Pero kuya, kahit galit kayo sa amin,
thank
you pa rin sa Meteor Garden ha.
Hanggang
ngayon di pa rin kami maka-get
over kay
Shan Cai. Let's talk shall we? Si
Miriam
Defensor Santiago ang kakausap sa
inyo
diyan. Tignan natin kung di kayo
magtanda.
Repost.
~ Brickz Bang Catungal

Write a comment

New comments have been disabled for this post.

February 2014
M T W T F S S
January 2014March 2014
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28