Monday, January 31, 2011 5:14:25 AM
Leonp.v
Psssttt....May ibubulong ako sayo.....by: Leonp.v"Mahal Ko Yung Mahal Mo!."Matagal ko ng alam yun...pero wala kang ginawa kaya naman nasa akin na sya ngaun.Inom na lang natin yan! Tagay mo po!
Saturday, October 30, 2010 4:30:11 AM
Leonp.v, Jay, You Lost Me
A DIFERRENT SIDE OF ME!by: Leonp.v
“Pinipilit kong kalimutan ang isang tao. Bakit ganito…..ang sakit-sakit…ang hirap-hirap makalimot. Siguro dahil sa mahirap lang talagang kalimutan ang isang taong mahal mo pa hanggang sa ngayun.” – Jay”Ipinakilala ko ang bestfriend kong si Karl sa girlfrieng kong si Cindy.
Ako ang naging tulay para maging magkakaibigan kaming tatlo. Halos araw-araw kaming magkakasama. Magkaka-barkada.
At hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nagkakagustuhan na sila.
Hinayaan ko lang….hindi ko pinansin dahil ayokong masira kung ano man meron kami sa ngayun. Tuwing mahuhuli ko silang dalawa na pasulyap na nagtitinginan, nagseselos ako. Tuwing magdidikit silang dalawa, nagseselos na ko. Tuwing mag-uusap sila na parang wala na ko sa tabi nila, sobrang nagseselos na ko. Pinagseselosan ko ang bestfriend kong si Karl.
Nakita ko silang nag-uusap sa may gate ng eskwelehan namin. Napatigil ako. Nagtaka. Napatitig sa kanilang dalawa. Nagulat na lang ako dahil halos magkadikit na ang kanilang mga katawan magkahawak ang isa nilang mga kamay. Hindi ko kinaya at lumapit ako…….
“Kung hindi ko kayo kilala aakalain kong may relasyon kayo.”
Nakita kong nagulat sila sa pagdating ko. Binitawan ni cindy ang kamay ni Karl. Inalis ni Karl ang pagkakatitig nya kay Cindy. Niyakap ko si Cindy at sabay bati ng….
“Happy Anniversary Cindy.”
“Happy Anniversary din Jay.”
Niyakap kong muli si Cindy upang ipakita kay Karl na akin si Cindy pero nagulat ako at hindi ako tanga para hindi makita na habang yakap ko si cindy ay sya namang hawak ni Cindy sa kamay ni Karl. Sobrang galit at selos ang nararamdaman ko ng mga oras na to…..
Gusto kong umiyak…….
Gusto ko silang sumbatan………
Gusto ko silang awayin at hayaan na lang silang mag-sama.
Pero paano na lang ako?
Ako ang unang minahal. Ako ang boyfriend. Ako ang kayakap. Ako si Jay nagpapakatanga at pilit na umaasa na ako padin na kami parin ni Cindy kahit na may kahati na ko sa puso nya. Hinayaan ko at kinakaya dahil sa……
“Mahal ko eh!”
Hindi na kami nagkita at nagkausap ni Karl mula noong iwan namin sya sa may gate ng eskwelehan habang tinatanaw nya kaming papalayo. Noong mga oras na yun nakita kong nilingon ni Cindy si Karl na sya namang tingin ko sa kanya……
“Cindy mahal mo pa ba ko?”
“Jay…..ma….mahal kita.”
Kasinungalingan man ito pero masaya ko sa narinig ko. Hanggang sa sinasabi nyang mahal nya pa ko aasa kong kami parin hanggang dulo.
…………………………………………………………
Wala na kami ni Cindy. Hindi rin kami nagtagal. Matagal na kaming naghiwalay pagkatapos naming makagraduate ng 4rth year napagkasunduan naming maghiwalay, walang samaan ng loob, at simula noon hindi narin kami nagkita nagkausap ni Cindy. Si Cindy ang una kong minahal at minamahal hanggang sa ngayun…….
Naghiwalay kami ni Cindy dahil kay Karl.
Nalaman kong aalis na si Karl papuntang amerika. Gusto kong malaman kung bakit bigla syang nawala. At para sabihin narin na handa na kong iwan si Cindy para sa kanya. Pero nahuli ako ng dating nakaalis na sya. Ang tito nya ang nakausap ko at tinanong kung bakit kailangang umalis ni Karl.
Nagtago ako sa isang puno malapit sa bahay nila Karl. Hinintay kong dumating si Cindy. Malakas ang ulan kasabay nito ang hindi ko mapigil na pagpatak ng aking mga luha.
Dumating si Cindy tumatakbo at nakita ko syang umiiyak habang kausap nya ang tito ni Karl malamang alam na nya ang dahilan ng pag-alis ni Karl. Mahal sya ni Karl pero ako ang nandito at pwede nyang makasama.
Gusto ko syang yakapin at sabihing andito pa ko. Pero tanging tanaw lang ang nagawa ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan syang tumatakbo papalayo sa bahay nila Karl at papalayo sa akin.
Isang patak ng luha ang nagpagising sakin sa kasalukuyan at isang bulong sa hangin ng…
“Happy Anniversary Cindy.”
9-21-2004
Hanggang ngayun naaalala parin kita!I've Been Waiting For You Read Part: 1
Saturday, August 21, 2010 11:02:46 PM
Leonp.v, jer-jer, Burger
PAULIT-ULIT NA LANG:by: Leonp.vGumising para maligo. Mag-ayos at magbihis.
Mag-abang ng masasakyan. Sumakay at Magdasal na sana ay hindi ako ma-late.
Mag-yosi muna bago mag-trabaho. Magbukas ng computer at simulan ang trabaho.
Ma-stress ng dahil sa trabaho. Lunch kunyari at yosi ulit. Tapos trabaho ulit.
Uwian! Pagod na ko. Lakad lang papuntang Shaw station, sakay ng MRT na amoy masipag.
Baba sa Trinoma. Mag-antay sa bus para makauwi ng bahay. Matulog sa bus.
Pagdating sa bahay kain lang tapos tulog na ulit dahil may pasok ulit bukas
SUNDAY AND MONDAY:
Walang trabaho pero paulit-ulit lang naman din.
Walang bago! Walang uhmmmmm walang magawa.
MAY ISANG BAGO PALA:
May bago na kong BLOG at SEXRETO (hahaha) hindi pwede sa mga bata.
Pwede sa bata ayoko lang malaman ng nanay ko mga SEXRETO ko (hahaha ulit).
Dahil may bago sa buhay ko magpapa jer-jer ako (kunyari na mali lang ako ng naitype ah) ay BURGER PALA! Kagat na minsan lang ‘to!.
P.S.: Today I am going to be more effective and more caring than i was yesterday!
Wednesday, June 30, 2010 7:37:22 AM
Until i get over you, Paalam, Leon, Emo
Wish You Were Here...Until I Get Over You!by: Leonp.v
Pinili mong huwag akong makita na ang tanging naging dahilan ay ang "kalimutan ako". Pero kabaligtaran ito para sa akin dahil ang gusto ko "dito ka lang sa tabi ko hanggang sa makalimutan kita".
Nagtataka ka marahil sa gusto kong mangyari satin. Kabaliwan. Katangahan. Napaka-imposible sa tingin mo na kalimutan ang isang tao na araw-araw na gusto mong makita. Isa lang naman ang naging dahilan kaya ko ginusto ito "hindi pa ko handa... kahit pa... hindi naging tayo"
Ayaw mong ituloy ang nararamdaman mo para sakin. Dahil sa "hindi tamang" dahilan. Sumang-ayon na lang ako sa dahilan mo na hindi ko naintindihan upang ipakita sayo na kahit pa "hindi kita naiintindihan ay alam mong andito lang ako para sayo". Sinabi kong "gusto ko tayo" pero ayaw mo. Gustong-gusto kita pero ikaw "gusto mo ko na ayaw mo".
Nagdesisyon kang "tapusin ang satin" na wala pa ngang kinahihinatnan. Natakot ka. Hindi mo kinaya. Natatakot din ako at kung minsan hindi ko na din kinakaya pero diba "kung gusto mo ang isang tao kakayanin mo kahit pa alam mong may masasaktan ka".
Ayaw mo syang saktan kahit wala namang dahilan para masaktan sya. Hindi mo nga sya nasaktan dahil "hindi mo piniling maging tayo" pero sinaktan mo ko ng "pinili mong hindi maging tayo".
Ang masakit sa lahat nung "umalis kang wala man lang paalam" na hindi man lang tinatapos ang ano mang nasimulan natin. Kahit pa maiksi ito para sayo. Alam mo sana na "kahit masakit at alam mong makakasakit ka. Mas maganda padin na may katapusan. Para naman alam natin pareho na wala ng aasahan at higit sa lahat bumalik ka man alam mong wala ka ng babalikan".
Dahil para sa akin ito ang tama "hindi man naging tayo pero ang pinagsamahan natin ay nangangailangan padin ng isang paliwanag at isang katapusan".Pero tinapos mo lang ito sa hindi mo pagpapaalam!
Friday, May 14, 2010 12:43:14 AM
Message Sent, T.K., Leon
Subject: Let Me Let Go!by: Leonp.vHuwag ka ng lumapit sa akin kasi pilit akong lumalayo sayo. Kung patuloy mo padin gagawin ang pagtawag at pagtxt sakin sana hindi mo na lang ako iniwan. Dahil sinasaktan mo lang ako. Pero hindi kita matiis dahil...alam mong ikaw lang naman ang may gusto na maghiwalay tayo at binigyan mo ko ng isang dahilan na hindi ko na magawang magtanong at magalit....

Popoy: “Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka my bagong darating na mas okay … na mas mamahalin tayo, yung tao na hindi tayo sasaktan at paasahin … yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin … nang lahat ng mali sa buhay mo”
Noong sabihin mo sakin na "Hindi na kita mahal at may mahal na kong iba".
Paano ko pa maipagtatanggol ang sarili ko sayo at sa bago mong mahal na...."Gago ka 'tol syota ng may syota inaagaw mo". Kung sya naman ang pinili mo...ang kabit mo! Ang taong ipinalit mo sakin.
Ang hindi ko lang matanggap kung bakit kailangan mo pang magparamdam sakin. Iniwan mo na ko diba? Natanggap kona na wala ka na... Ang masakit sa lahat pagkatapos mo kong iwan at saktan. Magagawa mo pang magsent sa inbox ko ng...
"Kamusta ka na.? Alam mo bang namimiss kita. Kita naman tayo minsan uhm wala lang kamustahan at usap lang tayo....Mahal "pala" kita."
Putek naman! Okey na ko. Wala ka na diba?. Itinapon mo na nga ako at pinalaya naman kita. Tapos na tayo...tinapos mo!...na hindi pa ko handa...at hindi ko naging ugali ang maging kaibigan ang mga nakarelasyon ko DATI. Kung kailangan mo ng kausap huwag ako ang hanapin mo...dahil ayokong makita ka at makausap...
"Ayoko dahil sa hindi na kita mahal...ayoko lang dahil ayoko ng makipagbalikan. Baka kasi kapag sinabi mo sa harap ko na gusto mong makipagbalikan ay hindi ako makatanggi sayo. Dahil ang totoo may konti pa kong nararamdaman para sayo. Sapat na maguluhan ako sa nararamdaman ko para sayo."
Sira pala ulo mo eh. Pagkatapos ng lahat ganun na lang yun. Hihingi ka ng "sorry" tapos tayo na ulit...na parang wala kang nasaktan at pinaiyak. Putek naman "nagtatapang-tapangan lang ako" pero ang totoo gusto kong sabihin sa kanya na...
"Namiss kita at Mahal parin kita...sige kita tayo."
Pero ito ang totoong sinend ko sa kanya...
Subject: Let Me Let Go!
Hindi "pala" kita mahal. Ingat na lang....
Godbless
T.K
Message Sent!
Leonp.v: Ang hindi nyo nabasa at nakita sa message ni T.K ay ang mga luhang pumatak nung nagdecide syang isent ang message na yan. Sinaktan sya ng taong mahal nya na pinili nyang huwag ng balikan. Dahil sabi nya...

"Tapos na diba! Bakit kailangan pang balikan..."
Leonp.v: "kahit mahal mo pa sya."
"OO, kahit na mahal mo pa sya....."