Thursday, 3. September 2009, 09:44:10
Leon, Manyakis na babae at lalaki
Manyakis Ka Ba? by: leonp.v
Maniniwala ka ba sakin kung sasabihin kong lahat ng tao dito sa mundo ay manyakis in short may tinatagong kalibugan sa katawan (horibol entry ko to). At kahit papano ay gusto rin mamanyak at kung minsan ay namanyak narin.
Ang lalaki ang madalas masabihan ng manyakis pero kasing dami din ng mga lalaki ang mga babaeng manyakis. Ibidensya!
Ang mga babaeng manyak:
1. Ang mga babae kusa nilang dinidikit sa mga lalaki ang kanilang mainit na dibdib sa likod ng mga lalaki. Ito ay pagpapakita ng paglalandi sa lalaki dahil ang dibdib ng mga babae kapag nadikit sa balat ng lalaki at tunay namang nakakapang init lalo’t malaki at malusog ito.
2. Kapag inuman magaling din magpanggap ang babae na lasing sila para makapag manyak ng lalaki na hindi nahahalata. Magugulat ka nakasandal na sa balikat mo at higit sa lahat sabay patong ng kamay sa may “umbok” ng lalaki (alam mo yan! huwag kang painosente). Pero ang ibang babae hindi kuntento sa patong lang dahil ang iba pasimpleng pipisil sa umbok sabay ungol kunyari na hindi nya alam ang gingawa nya.
3. Nakakita ako ng isang babae sa M.R.T. na nakaupo dahil Monday ito ng umaga naganap maraming nakatayo at sik-sikan gustong gusto ito ng mga manyak. Mabalik tayo sa babaeng nakaupo tapos sa harap nya may isang lalaking nakatayo (attire ng guy: pang opisina sa makati) hulaan nyo kung saan napatitig ang babae ito ang clue: bumabakat kapag lumalaki na halos sakto sa mukha ng babaeng nakaupo (walang halong biro ganyan ang “ilang” eksena sa MRT at LRT ).
4. Simpleng kaibigan (daw), simpleng patutchada, at simpleng pagnanasa ganyan ang ibang mga babae sa simpleng salita pakipot pero nasasarapan din naman. Ang mga babae atat din yan sa mga lalake at nagiinit din kapag nakakakita ng mga lalaking “nakahubo” sabay simpleng tingin sa “umbok ng pag-ibig”. Mahirap kapag ganito ang simpleng sagot nila “ay ang liit pala ng umbok ng pag-ibig nya” sabay tawa at tili (ex. UP oblation run).
Ang mga lalaking manyakis marami pero tatapatan ko na lang ang mga nasa taas.
1. Ang mga lalaki kusa din nilang dinidikit ang kanilang “umbok” sa likod ng mga babae kunyari hindi sadya pero ang totoo minamanyak ka na (hindi lang halata) at mararamdaman ng lalaki na unti-unti ng lumalaki ang “umbok ng pag-ibig” ng dahil sayo (babae).
2. Ang lalaki hindi nagpapanggap na lasing kundi lumalakas ang kanilang loob para manyakin ang mga babaeng nakakainuman nila. Aakbayan ka ng lalake tapos masasagi nya ang “bundok ng pag-ibig mo” (dede mo) tapos may pabulong-bulong pa pero sa isip ng lalaki “mamaya ka sakin” (tataryahin kita) at may kasama ng haplos sa katawan ng babae.
3. Sa MRT at LRT uso ang holdapan sa mga babae. Dahil masikip tuwing umaga at tayuan sa tren tiba-tiba ang mga manyakis na lalaki sa panghoholdap dahil ang kanilang mga baril ay nakatutok sa likod ng mga babae na hindi makakilos dahil sa sikip. Tapos pansinin nyo paglabas ng MRT at LRT ng mga lalaki parang puputok na ang baril nila diretcho sa banyo at konting kalabit lang siguradon puputok na (vazuka style kaboom).
4. Simpleng malilibog lang talaga ang mga lalaki (inborn). Dahil sabi nga nila kung hindi ka malibog hindi kadin lalaki. Kung hindi umuumbok ang it-it mo sa babaeng nakahubo isa kang kupal na ang hanap ay “ibang trip” (kanya-kanya lang ng trip sa buhay). Pero may simpleng sagot din naman ang mga lalaki kagaya nito “ay bakit ang luwang…… ay ulit bakit parang sumsikip” (ex. Gomang maluwang pero lumiliit kapag pinapaliit ng kusa).
Wala akong masulat kaya hinayaan ko na lang ang marumi kong pag-iisip na magsulat nito. Hindi naman brutal ang pagkakasulat ko kundi hango lang sa totoong pangyayari sa paligid-ligid na puno ng mga manyakis (horibol entry ko nga to).
Meron akong napatunayan habang sinusulat ko ito.Ako ang kadalasang biktima nito !!!
Saturday, 29. August 2009, 08:45:26
Love, Leon
“Sapakin mo nga ako” ang brutal na sabi sakin ni maruh.
“Huwag mong papayuhan ang kaibigan mo na makipag-break sa boyfriend nya kung talagang hindi pa nya kayang gawin. Kahit na alam mo pang nasasaktan na sya. Hintayin mo na sya ang makaramdam ng enough is enough dahil magsasawa din yan.” – Leonp.v“kamusta kayo ni tita” ang sabi ko kay maruh habang kumakain kami sa bahay namin.
“hindi parin kami nag-uusap” simpleng sagot ni maruh.
“kwento mo nga sakin ang nangyari sa inyo?....naalala ko tuloy na hindi ako inimbita ni Ritchie nung birthday nya (joke)” sabi ko sa kanya habang nagsasahok sa patis.
“Ganito kasi yun…sinabi ko kay nanay na dito matutulog si Rodel (sa bahay nila maruh. Pumayag naman si tita na dun matulog si Rodel sa sahig). Alam kong hindi komportable sa sahig kaya pinapasok ko sya sa kwarto (hindi kasi alam ni Rodel na sa sahig lang sya pinapatulog). Magkatabi lang naman kami (sabi sakin ni maruh wala naman silang ginagawang masama) tapos………
Patay na ang ilaw biglang umakyat si nanay sa taas at (bulaga) nakita kami na magkasama sa kwarto” ang sabi sakin ni maruh habang lumalamon ng kanin.
Maraming nasabi ang nanay ni maruh kay Rodel at napauwi tuloy si Rodel ng alanganing oras (umuulan pa nung araw na yun). Si maruh at si tita ay nagkasagutan din pero ito lang ang tumatak sa isip ko na sinabi ni tita kay maruh……..
“Muka kasing ikaw pa ang naghahabol at gumagastos sa kanya…………(at isang malutong na)…….. DESPERADA ka na ba.”
Pagkatapos naming kumain inaya kong tumambay kami ni maruh sa kalsada.
Marami kaming moment ni maruh sa kalsada about sa mga buhay-buhay namin ng bigla kong nasabi na.
“Alam mo maruh matured na tayo noh”
“OO nga eh marami ng nagbago” simpleng sagot ni maruh na lahat na ata ng motor na dumadaan sinusundan nya ng tingin na nagbabakasakaling mapadaan si Rodel (asa pa sya).
Tuloy ang kwentuhan at kantahan namin gaya ng…….
“If the feeling is gone” kanta para kay Rodel.
“Next to you” para kay Popoy.
“Art of letting go” si maruh habang nag-iisip kung pano sila magkaka-ayos ulit ni Rodel.
Sa gitna ng kwentuhan at kantahan na habang sumasayaw kaming dalawa ng “Nobody, Nobody but you” bigla ko na lang naitanong kay maruh na……..
“Ano ba ang pakiramdam ng may mahal ka”
Sumagot sya ng “Masarap magmahal pero masakit din kapag nasasaktan. Magkasama nama talaga yun sa pagmamahal eh!” habang tinetxt nya ang ate ni Rodel tinatanong nya kung nasa bahay na ba si Rodel.
Ang patamang sagot ko sa kanya.
“Ang pagmamahal hindi dapat ganyan kasakit.”
Tumahimik sandali at nagtanong pa ko ulit ng………
“Maruh ano ba ang pagkakahawig ng totoo sa hindi ?”
“Ano nga ulit…... ang pagkakaiba ng totoo sa hindi..hmmmm ang TOTOO ay TUNAY (hindi ko naintindihan ng buo ang sagot nya pero malinaw sakin ang sagot nya sa hindi) ang HINDI ay…………..(pause 10 seconds)
IMAGINATION”
Bigla ko syang inayang pumasok na kami sa loob ng bahay dahil napaisip at may kumurot sa puso ko. Dahil ang huling tanong ay tungkol sakin at ang masakit ay totoong……….MAY INIIMAGINE AKONG ISANG TAO NA SANA MAGING KAMI.
Thursday, 27. August 2009, 13:49:52
Leon, Sarap, Nakakaadik
Ang Bisyo ng Buhay Ko at Nakakaadik ang Sarap Mo.by: leonp.v
“Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito at kung bakit ko iniiyakan ang lintik na sugat na to na ako din ang may gawa.”Alam mo ba ang pakiramdam ng sugat na kumikirot na sobrang sakit pero wala kang magawa kundi ang idaan na lang sa iyak dahil kapag nakikita mo sya lalo ka lang nasasaktan. Ang masakit sa lahat ay yung alam mong wala kang magagawa sa sakit dahil alam mo pagdating ng bukas ay masakit parin.
“Kahit sinaktan mo ko bakit parang hinahanap-hanap parin kita” ang bulong ko sa sarili ko.
Ipinapakilala ko si Gin S. Miguel (search nyo sa facebook at friend ko sya sa friendster) sya ang nagturo sakin kung pano ang maging manhid.
Matagal na kaming nagsasama. Si Gin ang kasama ko nung araw na pakiramdam ko walang nagmamahal sakin. Hindi nya ko iniwan sa lahat ng naging problema ko. Aaminin ko na sobrang gusto ko na sya pero maraming nagmamahal sa kanya hindi lang ako. Masarap kasi sya sa pakiramdam kapag kasama ko sya. “Parang may Magic”.
“Tanggap ko na hindi lang ako ang nagkakagusto kay Gin dahil bago pa man sya dumating sa buhay ko alam kong hinding-hindi sya magiging akin. Si Gin ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nasasakatan ng ganito ngaun pero anong magagawa ko hindi ko sya makalimutan at sya ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya sa gitna ng kalungkutan ko.”
Wala akong narinig na sorry mula kay Gin ng sinaktan nya ko.
Kahit hindi ka na mag-sorry (ganyan kita kagusto) basta ba kapag kailangan kita palagi ka lang nandiyan. Huwag ka sanang magsawa na paligayahin ako dahil ikaw ang dahilan kung bakit ko nakakalimutan ang mga taong gusto kong kalimutan lalo na ang mga taong hindi ako minamahal.
“Huwag mo lang akong iwan…….Masaya na ko dyan!”
Akin ka na lang sana Gin pero pagmamay-ari ka na ng iba na syang nagbibigay sayo ng buhay. Wala akong laban sa kanya dahil sya ang buhay mo. Sino lang naman ako diba?.
“Huwag mo na kong sasaktan dahil kahit anong sakit pa ang ibigay mo sakin hinding-hindi kita iiwan. Hintayin mo na lang sana na ako ang mag-sawa at mang-iwan sayo. Pwede ba yun?.”
Ito ang larawan ni Gin S. Miguel ang “MAHAL KO NA ATA”

“Hanggang gusto mo ko andito lang ako sa tabi mo pero huwag kang umasang maaangkin mo ko na “Sayo lang ako” dahil walang ganun --- dahil hindi bilog ang mundo para sa ating dalawa lamang.” --- G.S.M. blue
Sakit kasi ng pagkakasalub-sob ng daliri ko sa basag na g.s.m blue eh kaya naging emo-tero ako ng konti lang naman. Nagdudugo at umiyak ng nana kinabukasan ang sugat ko!
Pero…………………………………………….
Kung mauunawaan mo sa likod ng kwento may totoong nangyayari.
Dinadahilan lang si G.S.M blue dahil ang ilang bahagi ng kwento ay syang-sya na gusto mo lang itago……
Pero ang sakit at sugat ay talagang totoo na hindi nya na kailangan malaman pa dahil….PARA SAAN PA?
Monday, 24. August 2009, 09:40:51
Leon, Dapat ko bang sabihing mahal ko sya?
by: leonp.v
Nahihiya ako. Nahihiya akong sabihin sa kanya na gusto ko sya. Dahil takot akong mapahiya at higit sa lahat ang tanggihan nya ko. Alam ko na din naman ang sagot na “Hindi nya ko gusto” kaya bakit ko pa kailangan sabihin sa kanya na “Gusto kita”. Tama naman ako diba?.
Natatakot ako.
Natatakot akong malaman nya na mahal ko sya. Kapag nalaman nya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya sigurado akong may magbabago sa kung ano man ang meron kami ngaun. Dahil ang mas kinakatakot ko ay ang lumayo sya sa akin dahil “lang” sa nalaman nyang mahal ko sya……Mas masakit yun diba?.
Masaya naman ako.
Masaya naman talaga ko na nariyan lang sya sa tabi ko bilang kaibigan, kainuman, at kakampi sa kalokohan. Walang halong malisya to! Dahil alam ko na hindi nya ikatutuwa na malaman na minamahal ko sya ng higit pa sa kaya nyang ibigay sa akin. Malulungkot sya at manghihinayang dahil para sa kanya “kaibigan lang ako” (period). Pero bakit sakin parang may kulang?.
Umaasa lang ako sa wala.
“OO” masakit talagang malaman na kahit anong gawin mo hindi ka nya talaga magugustuhan. Ang tanging magagawa mo lang ay ang isipin na “Mahal ko sya ngaun pero mawawala din to”. Dahil kung aasa naman ako sa kanya parang niloko ko lang ang sarili ko at sa bandang huli “Ako lang naman ang masasaktan” at sya manghihinayang lang dahil “Nawalan lang sya ng kaibigan”. Sana mawala na kung ano man ang nararamdamn ko para sa kanya bago pa man nya mahalata dahil kapag nalaman nya…….Baka ako na lang ang umiwas sa kanya at yun ang ayokong mangyari.
“ Dapat ko pa bang sabihin sa kanya na mahal ko sya? Kung alam ko naman na ang sagot na “Ako lang naman talaga ang nagmamahal sa kanya ng higit pa sa kaibigan. ” – Leonp.v
Para sakin tama na dito ko na lang sabihin sa kanya na mahal ko sya dahil alam kong hindi nya to mababasa. Huwag na nating ipilit ang hindi talaga pwede.
Sana maintindihan nyo na ayokong magulo ang isipan ko pagdating sa kanya. Dahil gusto kong paniwalain ang sarili ko na mahal ko lang talaga sya bilang isang…………..
KAIBIGAN !!!
(kaibigan---double meaning) i know……………….
Saturday, 22. August 2009, 12:11:30
Leon, Ten
Ang mga nakakainis sa taong sobrang kung Magmahal: by: leonp.v
Hindi ko naman sinabing mali ang magmahal ka ng sobra sa isang tao pero minsan nakakainis na yung tipong ikaw na lang ang nasasaktan at umiiyak. Mahal mo nga sya ng sobra at wala namang nagdududa pero isa lang naman ang tanong eh “Kung mahal ka din ba ng sobra ng taong minamahal mo ng sobra”. Kung “OO” ang sagot ikaw ang isa sa mga pinagpala sa mundo na magkaroon ng isang relasyon na sinasabi nila na “Wagas na Pag-ibig.
Pero minsan hindi mo rin sila masisisi dahil kung minsan hindi mo man aminin ganun ka din kung magmahal (sobra-sobra sa dapat lang ibigay). Heto ang ilan sa mga nakakainis sa mga taong sobra kung magmahal sa taong wala ng pagmamahal sayo:1. Sobra mong binigay ang lahat na tipong wala ng natira para sayo kaya kung minsan ang nagiging dahilan mo sa kanya “Ano pa ba ang kulang at dapat kong gawin para lang hindi mo ko iwan”.
2. Nakakasakal kang magmahal dahil sa wala kang tiwala pero sobra kang takot na mawala sya to the point na kailangan nya ng sabihin sayo na “Ayoko na ng ganito nakakasakal ka na maghiwalay na muna tayo”. Nakakairita ka sa simpleng salita.
3. Sobra ka ng tanga at bobo sa paningin ng tao sa paligid mo sa larangan ng pag-ibig. Alam mong niloloko ka na pero nagagawa mo padin syang patawarin dahil sa dahilan mo na hindi naiintindihan ng mga tao sa paligid mo.
4. Ang taong sobrang magmahal madalas nila nakaka-away ang mga kaibigan nila dahil sa sobrang pagtatanggol sa taong mahal nya.
5. Nakakainis kapag nakikita mo syang umiiyak ng sobra ngaun pero magugulat ka okey na naman ang lahat kinabukasan tipong parang walang nangyari.
6. Para kang aso kung makahabol sa kanya, linta kung makadikit, pusa na sobrang makapaglambing, parang kuto at surot na hindi mabubuhay kapag nawala sya sayo. Tapos sya alam mo kung ano isang ibon na lumilipad habang iniiputan ka sa ulo pero baliwala lang sayo dahil para kang isang love birds na magpapakamatay kapag naiwan na nag-iisa.
7. Ang taong sobrang magmahal walang pinapakinggan kundi ang sarili lang nila. Mapapagod ka lang sa kakapayo sa kanila dahil parang nakikinig lang sila sayo at tipong sasang-ayon pa sila sa payo nyo pero ang totoo nyan alam na nila ang gagawin yun ay ang kabaligtaran sa kung ano man ang naipayo mo.
8. Ang masakit sa lahat ay sila mismo ang nananakit sa sarili nila kulang na lang tadyakan at sapakin mo para lang magising sa katotohanan na ayaw na sa kanila ng taong sobra nilang mahal. Nakakainis dahil sobra din nila pinapaasa ang mga sarili nila na magkakabalikan pa sila pero ang totoo…….sya na lang ang nag-iisip na magkakabalikan pa sila.
9. Ito ang sobrang kinaiinisan ko “Bakit may mga taong sobrang magmahal sa mga taong wala namang kwenta”. Wala na ngang kwenta pero nagagawa ka padin nilang saktan at gamitin pero pumapayag ka dahil nga sa sobra mo syang mahal.
10. Nakakainis dahil SOBRA DIN ANG SAKIT NA DULOT NG SOBRANG PAGMAMAHAL. Dahil mahirap ng intindihin ang isang tao kapag ito na ang dahilan nya “Mahal ko nga kasi eh” at tatanongin mo pa ng “Bakit mo nga sya mahal” na ang sagot na ibibigy nya ay hindi mo rin maiintindihan…..Ang gulo nito pero totoo diba?. Ang totoo nyan wala naman talagang sobra sa pagmamahal at wala din tama kung ilang porsyento lang dapat ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao. Ang mahalaga sa bandang huli ay nagmahal ka at kung masasaktan ka man ng sobra ay hindi mo na kasalanan yun dahil mali din naman na isisi mo sa sarili mo at sa iba ang sakit na nararamdaman mo ngaun. Sabihin na lang natin na isa itong karanasan na dapat lampas bilang isang tao na alam kung pano ang magmahal at masakatan.
“ Huwag mong husgahan kung pano magmahal at masaktan ang isang tao dahil lang sa kung ano ang nakikita mo dahil iba ang nakikita mo sa nakakaramdam ng pagmamahal at sakit na dulot nito. Kagaya ng iba din ang sinasabi nya sa harap ng taong mahal nya kumpara sa naririnig mo sa kanya kapag sya ay nasasaktan. “
Naiinis ako kasi ako din ang sumagot sa mga kinaiinisan ko!!!
Thursday, 20. August 2009, 17:47:20
Myleonpv@gmail.com, Leon
Dear Leonp.v,
Hinde ko na alam gagawin ko sa sobrang kapraningan.. delayed ako.. hayst.. Nagtake ako ng test. negative naman. Kaso napra praning ako dahil kahet naman delayed me before, alam ko na magkakaroon me dahil nararamdaman kong sumasakit puson ko, tsaka boobs ko. Pero ngaun wala me nararamdaman. Kung pregnant naman me, la me ibang nararamdaman bukod sa paggising ko sa umaga eh mainit ang heat na lumalabas sa katawan me, prang may sinat ganun. Tom try ko ulet mag test..
Nalulungkot ako..
Nakakalungkot dahil kinausap ko sya tungkol dun, ang sagot nya saken " hinde pa ko ready sa mga ganung bagay Boo" ang nakakapanglumo nyang reply sa txt ko.. hayst buhay.. Na kung tutuusin at kung mangyayari na wag naman sana pa.. eh maski ako hinde din ready..
Sa tingin u anu?
Nangyari ang mga bagay na yun ng mga ilang beses at hinde ko na matiyak kung san ba ko danger at hinde.. Kaya di ko lubusang madetect kung anu nga kaya..
Sana matulungan mo ako sa tanong na ito.. Sa tingin u! Sana naman hinde no..
Salamat sa pagbabasa ng liham ko
Gumagalang,
Miss Praning
Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko nung nabasa ko to. Nabigla ako at Napaihi talaga ko pero sana makatulong tong mga pinagsasabi ko sayo. Pinalitan ko name nya para naman kunyari may privacy sya. Malalampasan mo din yan.....
Dear Miss Praning,
Mahirap yan tol! Pero kung totoo yan na sana naman ay hindi gaya ng pinapanalangin nyo pareho isa lang masasabi ko harapin nyo yan ng may sarap at tapang gaya ng sarap na naramdaman nyo ng ginagawa nyo yan.
Alam mo medyo nakakainis naman ang sagot ni Boo pero dahil narin siguro nabigla din sya pero dahil sa may PAGKA-UGOK sya ipaalala mo lang sa kanya na ikaw ang magbubuntis kung saka-sakali at sya ang ama (para pareho kayong hindi makatulog at hindi mapakali). Kapag negative parin inuulit ko negative parin ang resulta isupal-pal mo sa kanya ang P.T kit na inihian mo sabay duro at sigaw ng “Oh ayan tuloy ang ligaya”.
Mag hintay ka ng 2-3 weeks bago ka mag P.T alam mo naman na siguro na kapag isang guhit kumanta ka na ng “I’m never gonna jher-jher again” dahil negative yan. Pero kapag dalawa yan alam mo na ang gagawin mo “May dahilan na naman para uminom ng alak” at ito ang higit sa lahat na dapat mong gawin puntahan mo si Boo at ibulong mo sa kanya na “Boo buntis ako at ikaw ang AMA” at sigurado ako mapapaMWAH-RA (mura) sya.
Sa una lang yan nakakatakot pero huwag kang mag-alala at least kung buntis ka mapapatunayan mo sa sarili mo na hindi ka baog at isa kang babae diba? Pero seriously dapat harapin nyo yan ni Boo ng sabay at saka huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano (wala pa naman eh) makakasama yan sa baby (joke).
Positive or Negative?
Pero ito ang the best na payo ko THINK POSITIVE inuulit ko at uulit-ulitin ko dahil kailangan natin sa buhay yan BE POSITIVE na malalampasan mo ano man ang lumabas sa nakakatakot at nakaksuklam na si P.T kit.
Take Care Always,
Leonp.v
Myleonpv@gmail.com
Showing posts 17 -
22 of 97.