Skip navigation.

Bahay ni Leönp.v

You are where you are right now because of the choice's you've made.

Ang Kati ng Ano Ko?

, ,

Ang Kati ng Ano Ko?
by: leonp.v
“ Masarap magkamot lalo na kapag ang kinakamot mo ay talagang nagpapakiliti at nagbibigay ng hindi maipaliwanag na sarap sayo. “ – Leonp.v

Alam mo lahat ng nangangati sa bawat parte ng katawan natin ay may ibig sabihin. Heto ang ilan na aminado ako na subok ko ng totoo gaya nga ng sinasabi ng iba maniwala ka lang at makikita mo at malalaman mo pa na hindi ako nagsisinungaling. Sineryoso ko to dahil malaki ang maitutulong nito sa ating lahat.

1. Ilong na sobrang kati – Kapag makati ang ilong may isang tao na sobra kang iniisip na hindi sya mapakali dahil hindi mo sya napapansin kahit buwis buhay na sya mapansin mo lang sya.

2. Utong masarap kapag nangati – Alam nyo bang kapag nangati ang utong mo ng sobra ibig sabihin ang asawa mo o ang shuta mo ay nangangaliwa. Masarap ito pero mas delikado kung dalawang utong mo ang nangati ibig sabihin sobra ka na nyang niloloko. (iwanan mo na sya).

3. Palad naman ang makati – Marami ang nagsasabi na magkakapera ka gaya ng kapag nakakakita ka ng langgam na itim. Pero mag-ingat ka kapag ang nangati sa daliri mo ay yung pinaka mahaba (Tol! tingnan mo kamay mo) tapos kinagat-kagat mo ang daliri mo ibig sabihin nyan may mangu-ngutang sayo (pwede rin yung isang iniisip mo na bastos kasi yan din ang nasa isip ko).

4. Nanga-ngati ang Chikinini – Hala ka!!! Isa lang ang ibig sabihin nyan sobrang nasarapan ka sa gumawa nyan sayo at ito pa kapag hinawakan mo yan sa harap ng salamin at napangiti ka dalawa lang ibig sabihin nya. Una gusto mo pang maulit ang sarap ng chikinini. Pangalawa sobrang galit ka sa nyemas na langgam na pula sa sakit kasi ng kagat nya.

5. Ang kati ng talampakan mo – Maganda ibig sabihin nyan maniwala ka man sakin at kahit isipin mo man na parang tinatarantado kita nasa iyo na yan. Habulin ka ng mga bading at tomboy dahil lakwatchera ka at ito ang higit sa lahat na ikasasaya mo makinis na paa ibig sabihin maputi ang puwet mo (wapax’z).

6. Ari na sobra-sobra ang kati – Inuulit ko SOBRANG kati na ari - isa lang ang ibig sabihin nyan ---> isa kang MALIBOG NA TAO na madaling labasan (tama ako diba).

7. Mata na makati – Dahil katatapos mo lang umiyak ng sobra pero dag-dagan natin ng kuliti ibig sabihin namboso ka. Ang maganda sa lahat kapag nangati ng kahit hindi ka napupuwing at ipapahipan mo sa kras (crush) mo mapalapit lang ang muka nya sayo. Ang masakit kapag mabaho ang hininga nya at todo buga naman sya sayo (bagong gising kasi sya).

8. Sa gitna ng dib-dib mo ang makati – Matuwa ka dahil mahal ka na ng taong una mong minahal na hindi ka naman minahal dati. Dahil masarap na pang-ganti ang dib-dib na makati subukan mong kamutin yan sa harap nya sigurado ako bubulong yan ng “Sayang hindi ko man lang sya natikman”.

9. Makati ba ang likod mo – May nakatitig sayo ng sobra at bigla kang mapapatingin sa likod mo at makikita mo na may nakatingin at humahanga sayo pero huwag kang matuwa may iba ganito ang nasa isip “Kala ko maganda/pogi yun pala ang pangit na sana naging likod na lang sya”.

10. Buong katawan ang nanga-ngati – Isa kang pinagpala na nagkaroon ng galis aso na kapag yumaman ka ay magiging allergy. Tandaan mo ito mangati na ang lahat huwag lang ang singit dahil kapag kinamot mo ito siguradong hindi mo na tatantanan mas sasarap pa sya kapag malapit ng dumugo na gaya ng sugat na malapit ng gumaling.


Sana naman may natutunan kayo sa mga sinusulat ko dito. Ang totoo ito lang naman talaga ang gusto kong sabihin at malaman nyo eh!.


“Tandaan nyo maraming bagay dito sa mundo na hindi na kailangan pang ipaliwanag bagkus ay iniintindi na lamang na hindi na nangangailangan pa ng kahit anong salita para lang maintindihan natin.“- Leonpv

Nasa Nagdadala Lang Yan! Diba?

, ,

Pangit ba sya:?

“Bakit ba ang laging unang tanong ng mga babae kapag may bagong nanliligaw sa kanila ay PANGIT BA SYA?. Hindi naman mahalaga ang itchura diba?. Tapos kapag sila na (magshuta) ay yung ibang kaibigan mo maririnig mo sila na sinasabi ito baka kaya naging sila ay dahil magaling ang lalaki sa Sarap na nagbibigay ng Excitement na nagtatapos sa X-travagant feelings.”

Nagkatxtsan kasi kami ng isa kong kaibigan/pinsan na si Shiela nagkamustahan kami at napunta ang usapan namin kung meron na ba syang shuta dahil narin sa kapag nagtetxt ako sa kanya lagi ko syang hinuhuli kung may boyfriend ba sya?.

“ Wala me jowa nuh pero boyfriend meron.” Ang nakakagulantang na reply ni shiela.

“Sino ito?” mabilis na txt ko na napa sheyt pa ko.

Matagal bago pa sya nagreply ng “Hindi ko pa jowa talaga taga “malapit lang” secret lang ha? Hindi sya gwapo pero matagal ko na syang crush”. Secret lang pero sinulat ko padin dito dahil kung minsan sinungaling ako at saka hindi naman nya alam ang blog ko na to (sana hindi nya malaman or else bubugbugin nya ko).

Malapit lang pala talaga dahil nakilala ko ang lalaki na ayaw nya din ipagsabi ang pangalan pero ito ang clue: name nya ito (excuse me po) tapos ang apelido ay (isang city sa Metro Manila). Kinuha ko ang buong pangalan para search ko sa mga community site.

Nakilala ko nga sya (si excuse me po) naglalaro ito ng basketball tuwing may liga ang barangay namin at kaya pala madalas manuod si shiela dahil sa may pinapantasya pala. Bigla syang nagtxt ng……

“Ano pangit ba?”

“Okey lang! hindi naman mahalaga ang muka ang mahalaga kung mabait ba sya. Kamusta ba kayong dalawa?” Ang sabi ko sa kanya.

Hindi alam sa kanila na may manliligaw sya dito sa “malapit lang” dahil baka mapintasan lang pero sa totoo lang hindi naman pangit si “excuse me po”. Ito ang reply nya na nakaka-sheyt talaga…..

“Dalawang buwan na sya nanliligaw pero malapit ko na syang sagutin. Ano nga ang masasabi mo sa itchura nya pangit ba?”

Malayo ang naging reply ko sa kanya “Ay talaga! Sheyt balitaan mo ko! Mahal mo ba talaga?”

Hindi na talaga sya nakapagpigil sya na ang sumagot sa tanong nya at ito narin ang huling txt nya bago sya nagpaalam sakin na matutulog na sya.

“Pangit nga sya………….”

Mukang nainis sakin ah! tinulogan kasi ako eh! Ito lang ang payo ko sa kanya.

Nasa Nagdadala Lang Yan! Diba?


Ayokong Mapahiya

,


Gusto kitang makita.

“Ikaw nga”

May gusto akong makita.

“Gusto kitang makita dahil may gusto ako sayo. Pero hindi ibig sabihin na mahal kita marahil ang totoo lang masaya ko kapag kasama kita at gusto ko lagi kitang nakikita. Huwag mo sanang masamain kung ano man itong nararamdaman ko para sayo. Huwag kang mag-alala hindi ko rin naman aaminin sayo na gusto kita kung sakaling magkikita tayo dahil ayokong mapahiya.”

Nakita kitang may ibang kasama.

“Inuman na nga lang tayo.”

Kring…Kring….Kring

, ,

“Oh, Tay andito si nanay MAY SASABIHIN SAYO” ang sabi ko sa tatay ko sa phone.

Bago nyo basahin to read this first: Pindutin mo ko!

Tinawag ko ang nanay ko para makausap nya ang tatay ko. “Nay” ang sigaw ko tumakbo ang nanay ko galing sa session nya sa tong-itz na mukang nananalo kasi nagawa nyang bumili ng “Pop”. Bumalik ako sa panunuod ng Basketball (FIBAAsia) Jordan versus Philippines (talo ang pinas wapakz kasi ang kalaban eh) at pagkatapos nilang mag-usap nagpakwento ako kay nanay kung ano ang naging reaksyon ni tatay sa sinabi nya.

“Kamusta naman jan” ang bungad ng nanay ko.

“Okey lang! ano yung sinasabi ni Ato (nickname ko dito sa bahay) na may sasabihin ka daw” si itay na mejo naguguluhan. Nakita ko ang pisngi ng nanay ko mejo nanginig ng konti halatang kabado.

“huwag kang magagalit ang anak mong si Joanne buntis” ang walang kagatol-gatol na sabi ng nanay ko (sa isip ko putcha wala man lang excitement tinirada agad kumbaga walang pasakalye). Mukang sa boses ng tatay ko malalaman mo na nanghihinayang sya pero ika nga ng lolo ko andiyan na yan eh wala ng magagawa kundi tanggapin.

“Ano ba yan! Ano nakausap mo na ba ang lalaki at mabait ba naman” sabi ni tatay sa phone na nalilito na.

“Pinapunta ko nung nakaraang linggo kasama ang nanay. Muka namang mabait pero isang beses pa lang namin nakikita taga Balagtas daw”. Ang nanay ko na mejo naiihi na. maraming naging tanog ang tatay ko parang naging Q and A portion nga eh:

Tay: Ano ang tarabaho?
Nay: Hindi ko alam basta sabi ng anak mo meron
Tay: Nakatapos ba ng pag-aaral?
Nay: Hindi 1st year college lang daw at huminto na hindi daw kaya.
Tay: Ilang buwan na ba?
Nay: 7 months at manganganak na si joan sa nov. 3 na daw.
Tay: Putcha naman matagal na pala. Oh pananagutan ba naman?
Nay: OO daw hinihintay ka lang naming umuwi.
Tay: Sige pipilitin kong umuwi next month.



Marami silang pinag-usapan at muka naman maganda ang pag-uusap nila pero ramdam mo sa kilos ng nanay ko na talagang sobrang naiihi na sya hindi nya lang masira ang moment nila ni tatay sa phone (walang biro naiihi na talaga sya nun todo ipit na kasi ang ginagawa nya eh).

(Nasa gilid na ang mga luha nila) Alam ko na medyo nagalit, nagtaka kung bakit inabot ng seven months bago namin nalaman at sobrang nanghinayang ang tatay ko kasi graduating na sya (joan) nitong October at kung papalarin eh magtatake na sya ng board para sa nursing nitong november. Pero mukang mauunsyami pa kasi hindi nga naman nya kakayanin diba?. At biglang siningit ni nanay ito………

“Nagpa-ultrasound nga pala kami kahapon at ang magiging apo mo lalaki”

Ang tatay ko.....

"Pag-uwi ko saka tayo mag-usap ng tungkol sa kasal nila at gusto ko sa PARI".

Mahal mo na ba Chubz?

, ,

“Sa aming dalawa hindi ako ang nanloko kundi sya” sabi ni Chubz.

“I’ll Be Alright by: Sarah Geronimo” tumunog ang ringtone ng phone ko 12 am ng madaling araw kanina tumatawag si Chubz (hindi tunay na pangalan). Sinagot ko ang pangalawa nyang tawag dahil sa antok na ko ang nasabi ko na lang sa kanya “Hoy!!! Wala ka sigurong makausap at ako ang iniistorbo mo”.

Nagulat ako sa lakas ng boses nya… sobra as in nagising ako sa sinabi nya “Sayang ang unlimited call (globe) ko at na miss kita eh…Ano ang itchura ng bayaw mong hilaw” sabi nya habang natatawa sya.

“Ayos lang naman! Ikaw na lang bahala mag judge kapag nakita mo at txt mo na lang sakin kung ano masasabi mo sa kanya. Baka pumunta yun sa fiesta?...Ikaw kamusta ang puso mo ngaun ah?” sagot ko sa kanya na nakapikit dahil inaantok na talaga ko.

Masaya nyang sinabi na maganda naman ang tibok ng puso nya. Marami na kaming napag-usapan about sa mga past love life nya. Pero may isang bagay na hindi ko na dapat pang naitanong ang tungkol sa “First Boyfriend” nyang itago na lang natin sa pangalang “Kaloy”. Hindi ko nga alam basta bigla ko na lang naitanong sa kanya ang….



“Hindi mo na ba mahal si Kaloy o kaya iniisip man lang?” nagulat din ako sa tanong kong yan. Pero nasabi ko na at napakagat labi na lang ako. Naramdaman ko bigla na lang bumaba ang boses nya, mukang nagalit sa tanong ko ah.

Katahimikan…..wala akong masabi! ng bigla syang sumagot ng.

“Kakatxt nga lang nya sakin eh! Nakikipagbalikan pero nadala na ko sa ginawa nya natatandaan mo diba sa aming dalawa hindi ako ang nanloko kundi sya (Kaloy).”

(parang hindi nya sinagot ang tanong ko, dahil sa intrigera din ako kaya naisip ko na magtanong ng magtanong ng tungkol sa Ex nya na si Kaloy). Kaya inulit ko ang tanong ko kung “Mahal nya pa ba si Kaloy”.

“Alam mo Leon matagal na yun at saka sobra nya kong sinaktan. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh!.....Wala ng tiwala sa mga lalaki at saka kung gusto nyang makipagbalikan pupuntahan nya ko dito pero wala syang ginagawa. Ano sya ako pa pupunta sa kanila para lang magkita kami. Bahala na sya sa buhay nya.” sagot nya na alam kong may kurot pa sa puso nya.



“Nakalimutan ko na sya pero aaminin ko paminsan minsan naaalala ko sya dahil matagal din naman kaming nagkasama pero hindi ibig sabihin nun ay mahal ko pa sya at hindi narin talaga kami magkakabalikan ni Kaloy. At isa pa wala syang ginagawang paraan para suyuin ako basta sinasabi nya lang na mahal nya pa ko at gusto nyang makipagbalikan. Tama na, Ayoko na kung sya lang ulit.” by: Chubz

“Chubz!! Ito opinion ko lang to ah, kung mahal mo pa si Kaloy bakit hindi mo sya bigyan ng chance para patunayan nya na talagang nagsisisi na sya sa ginawa nya. At saka tutal break na sila ng babae nya na pinagpalit nya sayo. Wala namang masama diba kung bibigyan mo pa sya ng chance kung dun ka ulit magiging masaya (masaya naman si Chubz pero iba parin diba? kapag may lalaking nagpapasaya sayo na mahal mo talaga). Ipaalam mo rin sa kanya na ITO NA ANG HULI at kapag gumawa pa sya ng kakatihan nya eh ibang usapan na yun.” ang mala Charo Santos kong payo sa kanya.

Huminga sya ng malalim at sabay sabi ng…..

“Bakit sinabi ko bang Mahal ko pa sya………... Ayoko na syang maalala pa at saka sige na nga aaminin ko MEDYO mahal ko pa sya pero sabi ko nga kanina marami ng nangyari at hindi narin gaya ng dati na sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Meron na kong ibang nakilala dito kaso nga lang may sabit eh” ang malungkot na sagot ni Chubz.

“May asawa na sya? Naku Chubz gulo lang yan” sagot ko sa kanya na nakakunot ang noo ko.

Sumagot sya ng “Baliw ka ba wala syang asawa pero may anak na sya three months ang bata at hindi naman sila kasal nung babae”.

Nag-iisip ako………wala talaga kong masabi ng may biglang nagtxt sa kanya (dalawa phone nya) at medyo naputol na ang usapan namin at natahimik kami ng tinanong ko ulit sya ng….

“Mahal mo na ba?”

Ang tagal ng sagot nya “Ewan! At saka hindi parin kasi kami ganong nagkakausap ni Johny (hindi tunay na pangalan). Masaya naman syang kasama at mukang mabait naman si Johny….kasamahan ko sya dito sa trabaho. Uy Leon secret lang natin to ah huwag mong ipagsasabi (sumagot ako ng “OO naman” isusulat ko lang naman eh)……..at saka………” sagot ni Chubz.

Pero ito ang huling linya sa sagot nya ang nagpanginig ng kalamnan ko at nagpagising sa kaluluwa kong natutulog.

“Biniro ko nga sya kanina kung papayag syang anakan nya lang ako eh” sabay tawa talaga inuulit ko tumatawa na talaga sya ng sobra na hindi mo mawari kung kinikilig ba sya.

“Ano naman ang sagot nya” tanong ko sa kanya na nag-iisip kung joke ba talaga yun.

Hindi nyo kakayanin ang sinabi ni Chubz na sagot ni Johny sa kanya.

“Hindi ba tayo nakabuo”.

Ella Fantasya

, ,

"Mahal ko na ata si Vince eh!" sabi ni Ella

Nagsimula lang sa tuksuhan pero bakit parang nahuhulog na si Ella (ang babaeng kung minsan ay LL ang tawag namin). “Hindi ito tama, Mali na umasa at mahalin ko sya.” Ang bungad na kwento ni Ella habang ako ay patuloy sa pag-ngata ng dala nyang butong pakwan. (ang alat talaga pero masarap).



“Kamusta kayo ng girlfriend mo” tanong ni Ella kay Vince. Pero ngumiti lang sya (kung alam nya lang sarap na sarap si Ella sa ngiti na yun sabay bulwak ng dugo sa baba hehehe) at walang sinabi pang iba si Vince. Naramdam ni Ella na ayaw pag-usapan ni Vince ang girlfriend nya at naawa sya kay Vince (sa sarili nya hindi sya naawa). Pero ang totoo nag-laway si Ella dahil sa isip nya “May problema sila at sana hiwalay na sila”. (Diba yan ang nasa isip mo titirisin ko pimples mo sa pwet kapag hindi mo inamin.)

“Masakit sa kanya na magkaaway sila ng girlfriend nya pero bakit ako natutuwa. Hindi ito tama pero bakit parang umaasa ko na sana pansinin naman nya ko at hawakan nya kamay ko.” ang sabi ni Ella. (At kaya lang din sya sumama sa inuman dahil makikita nya si Vince.). Hindi ako sumama dahil may isang tao dun na super ayaw kong makita.

“Ay! Hawak kamay talaga. Oh tapos?” yan lang ang nasabi ko sa kanya.

“Asan ka na ba” ang narinig ni Ella kay Vince paglingon nya nakita nyang may kausap sa phone si Vince at bago sya tumayo nabasa nya na lang sa bibig ni Vince “Dun muna ko” sabay turo kung san sya pupunta. Tiningnan ni Ella kung san sya pumunta at hindi daw sya nilingon dahil kausap nya ang taong mahal nya ang paghihimutok ni Ella na isang “kaibigan lang” inuulit ko “Kaibigan ka lang nya”. (Pucha ka bakit kasi umaasa pa eh. Masakit pero yan ang totoo. Hindi na nya mapigilan ang mapaiyak at malapit ng tumulo ang sipon nya. Walang dudang iiyak na talaga sya.)

Makalipas ang halos isang oras……

“Lasing na ko dahil maingay na ko pero alam mo yun kahit anong ingay ko at dal-dal kapag nakakainum na pero bakit hindi ko masabi sa kanya na Tol! Mahal na yata kita pero huwag kang mag-alala hindi pa naman ako sigurado eh“. Ang sabi nya (nanginginig na boses nya… yun na nga umiyak na sya…. at Tol nga pala tawagan nila. Sa lagay nyang yan hindi pa sya sigurado ah?.)

“Tama na nga yan. Mali na umiyak ka dahil sa taong hindi ka naman mahal” yan lang ang nasabi ko kay Ella. (pangit nyang umiyak nakakawalang ganang kumain)

“Pero alam mo leon (gamit kong name dito) naging masaya naman ako nun kasi hindi sya bumalik sa dati nyang pwesto kasi ng bumalik na sya sa inuman namin sa akin sya tumabi sabay akbay sa akin” ang banat ng bruha sabay lamutak sa muka na basang basa na ng luha nya. (sa isip ko lang to…parang ganun lang kinilig kana lalo pa kaya kung nadakma mo yung it-it ng hinayupak na yun.)


Seryoso na sya…. Natatakot na ko sa kanya!

“Alam mo tiningnan ko ang mga mata nya hindi man nya sabihin alam ko na iniyakan nya ang girlfriend nya. Bigla akong nasaktan….Bakit nung nag-away kami hindi nya ko iniyakan. Bakit sobrang mahal nya ba ang girlfriend nya at iniiyakan nya?.” Ang pagmamaktol ni Ella sa akin.(UTANG NA LOOB!! Ella yung sipon mo punasan mo na kadiri na talaga).

Kinalabit ko sya sabay sabi ng “Tapos ano ang ginawa mo”.

“Bigla na lang syang tumayo at mukang aalis na sa inuman namin pero sinundan ko sya at pinilit na huwag muna umalis pero wala akong nagawa…..Tinitigan ko pa ang likod nya baka kasi lingonin nya pa ko pero hindi sya talaga lumingon. Masakit man aminin wala akong halaga sa kanya at kung meron man kaya nya kong mawala.” Sagot ni Ella sabay singhot na parang bata (sheyt ka! Nasaktan ako kasi parang akin tong dayalog na to ….alam nyo gusto ko narin talagang umiyak naalala ko si Big C. paksheyt ka to da max!!!)

May hinugot sya sa mahaba nyang bulsa at biglang nilabas ni Ella ang cellphone nya at may pinabasa sya sa akin txt daw ni Vince ng araw na yun. Binasa ko ng malakas sa kanya……

“Ella …pasensya na pupuntahan ko lang ang girlfriend ko para MAKIPAGBALIKAN sa kanya” yan ang nilalaman ng txt ni Vince para kay Ella. Sigurado ako sobrang nasaktan si Ella ng nabasa nya to!(Baliw ka! Ulol ka! Tanga ka pa! pero sige balikan mo mas maganda yan kesa kay Ella.) Peace out Ella.

Pero ito ang hindi ko kinaya kay Ella. Hihimatayin na talaga ko sa kanya at sarap nyang tadjakan (promise) sa pagmumuka pano ba naman naaawa na talaga ko sa kanya kulang na lang umiyak narin ako……bigla ba namang humirit ng ganito.

“Samahan mo naman ako sa kanila. Kakamustahin ko lang sya. Nahihiya kasi ako kapag ako lang ang pupuntang mag-isa eh!.”.

Susmaryosep ka Ella tantanan mo nga ako!!!!!......