Isang Taon Na Ako
Saturday, 19. September 2009, 10:50:08
by: leonp.v
Hindi ko namamalayan na ngaun ang ika isang taon ko dito sa mundo ng BLOGSPHERE. Kung hindi ko pa tiningnan ang "Members from Philippines" ay hindi ko pa malalaman. Grabe ang bilis talaga ng panahon akalain nyong tumagal ako dito ng isang taon at hindi ko nagawang lumipat sa blogspot (BS) at wordpress (WP) (mas marami kasing pinoy jan kesa dito sa my.opera). Pero dahil narin sa magagandang sinabi ng mga naging kaibigan ko dito na sina Daneru at Kyle at napagtanto ko na masaya naman na ako dito sa bahay ko na to kaya naman wala ng dahilan para iwan ko to. Pwede ko namang padalawin dito ang mga kapitbahay ko sa WP at BS.
"Ang Blog ko ay talagang akong ako. Nagawa kong umiyak, tumawa, pagtawanan, mangarap, at mahalin dito sa mundo ng blogsphere. At dahil sa blog nakilala ko kayo!." - Leonp.v
Salamat sa lahat ng napadaan dito sa munting bahay ko. Salamat sa lahat ng naging kaututan dila ko. Salamat sa lahat ng naging kaibigan ko. Salamat sa lahat nang nagkomento at nagpadala ng pribadong mensahe sa akin. Salamat sa lahat ng dumamay sa akin sa lungkot at ligaya. Salamat sa lahat ng nagpatambay sa akin sa kanilang bahay (blog). Salamat sa lahat ng makikilala ko pa lang.
Masaya ko't nagkasama-sama tayo dito sa munting bahay ko. Tara na! Simulan na natin ang inuman dahil ISANG TAON NA AKO.
MARAMING SALAMAT KA-BLOG !!!
ANG BLOG ANG BAGONG TAMBAYAN NGAUN.







