Skip navigation.

Bahay ni Leönp.v

You are where you are right now because of the choice's you've made.

Posts tagged with "Laro"

LARO

,

“Hindi Ako Isang Laruan Na Kapag Ayaw Mo Na Ay Iiwanan Mo Na Lang”
by: leonp.v

”Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makiramdam? Huwag kang magpapakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka rin namang nasasaktan. Dahil imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?", bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?. Kung alam mong binabalewala kana, tanggapin mong nagsasawa na sya. Huwag kang magpapadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka". Dahil kung totoo yun papatunayan nila.” – Bob Ong

Nakayuko ako. Nagpapakabusy. Pero alam kong nasa paligid lang kita nakatingin sa akin. Gusto kitang tingnan. Gusto kong sabihin sayo na “Ikaw ang nanalo sa laro na walang pansinan”. Pero hindi……….dahil ngaun gusto ko ikaw ang unang lumapit at humingi ng “SORRY”.

Bakit ka ba ganyan…………

Ang tibay mo naman nagagawa mo kong hindi pansinin. Ramdam kong nakatitig ka lang sa akin na parang may gustong sabihin pero bakit ba ayaw mong lumapit. Ikaw lang naman ang hinihintay ko alam mo kasi isang “SORRY” lang talaga, okey na ko dun. Isang sorry lang talaga hindi mo pa maibigay sa akin.

“Dahil nasaktan ako sa ginawa mo”.

Pero isang lingo na ang nakakaraan mula ng mangyari yun. Okey na ko ngaun. Sabihin mo lang sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo na “sobrang nasaktan ako”. Pero bakit ba nagmamatigas ka o talaga lang na………..

“Ayaw mo na sa akin kaya ka nagkakaganyan ngaun”.

Habang lumalalim ang gabi ay unti-unting nagsisipag-uwian ang mga kasamahan natin. Hanggang sa TAYO NA LANG ULIT ang naiwan sa kwarto. Pero walang pansinan, walang kibuan, walang taasan ng kilay at kahit ano wala talaga parang hindi mo ko nakkita.

Nilingon kita hanggang sa hindi ko namamalayan na napapatitig na pala ako sayo halos maiyak na nga ako sa pagkakatitig ko sayo. Habang ang isip ko ay paulit-ulit na sinasabi ang katagang ito “tingnan mo ko, tingnan mo ko, tingnan mo ko”. Pero wala…….kahit na alam kong alam mong nakatitig ako sayo.

“Ang tibay mo talaga”.

Nagulat na lang ako na nakatayo ka na at pauwi na. Hindi ko na kinaya pa ang pananahimik mo kaya naman bago pa sya makarating sa pinto palabas (palayo sa akin) bigla ko syang tinawag sa pangalan nya at sinabi kong……………

“I’M SORRY”.

Natalo na naman ako sa laro namin.

Hindi sya gumalaw. Nakatayo lang sya habang nakatalikod sa akin. Ayaw talaga kong pansinin. Pero alam kong umiiyak na sya dahil nakikita kong pinupunasan nya ang kanyang mga luha gamit lang ang mga daliri nya. Bigla syang nagsalita ng……….

“Huwag ka ng humingi ng sorry…….tama na…..tapusin na natin tong LARO na to”.

“Tingnan mo ko,…..at sabihin mo sa aking isang laro lang ito”.

“Ayoko…..ayoko dahil baka MULI makipagbalikan ako sayo ng dahil sa AWA”.

……………………………………………

Bigla syang umalis habang ako ay naiwan na nag-iisa sa isang kwarto na puno ng aming alaala na isa palang playground para sa kanya. Isang laro na ako ang naging talunan na kapag natatalo ay nakukuhang umiyak sa isang sulok. Gusto ko syang tanongin kung “saan ako nagkamali at nagkulang?” pero para saan pa diba!..... kung para sa kanya ang laro na ito ay…………


“GAME OVER NA”.