Skip navigation.

Bahay ni Leönp.v

You are where you are right now because of the choice's you've made.

Posts tagged with "Sad Ako"

Ang Aking Huling EL-EMO !

, ,

Ang Huling EL-EMO !
by: Leonp.v

Magulo. Nakakatakot. Kakaiba. Walang katulad. Pero masarap. Masaya. Gusto ng lahat. Yan ang buhay Pag-ibig.

“AKO”

Saan ka lulugar (magtatago) sa isang taong hindi mo kayang iwan kung ang huling paraan para kalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya ay ang “Lumayo para makalimot”. Pero hindi mo kaya. Ayaw mo lang gawin.Hinahanap-hanap mo sya. Dahil masaya ka. Nakakangiti ka na sya ang dahilan. At kinukompleto nya ang araw mo.

Pinipilit mong maging masaya dahil yun ang tama. Yun ang dapat gawin. Dahil alam mo na kahit anong gawin mo yung nag-iisang tao na gutong-gusto mo ay hindi kayo pwede. Hindi pwedeng makuha. Wala kang magawa. Hindi mo rin makuhang maghintay dahil wala kang hihintayin. Walang aasahan. Totoong masaya ko……. may kulang nga lang…..IKAW!

Ang Ilan sa mga Patama para sa sarili ko:

1. Ang umiyak dahil nasaktan ka nya ay normal lang kung nasasaktan din sya sa pagpapaiyak nya sayo.

2. Ang hindi pagtatapat sa taong mahal mo ay isang pag-iingat sa sarili na masaktan ka at ayaw mong marinig sa kanya ang mga salitang ito “Hindi IKAW ang mahal ko”.

3. Masakit ang magpaalam sa taong mahal mo pero mas masakit malaman na kailanman ay hindi naman pala sya naging sayo.

4. Masaya na ko sa salitang “IKAW at AKO” habang buhay.

5. Ang paghihintay sa taong minamahal na walang pagmamahal sayo ay tinatapos ng maaga.

6. Mali daw ang magustuhan ang isang kaibigang wala kang aasahan dahil dito nagsisimula ang “pag-iiwasan”………

7. Masakit malaman ang katotohanang hindi ka gusto ng taong nagugustuhan mo.


"IKAW" (pindot ikaw)

Para sa kanya itong huli kong sasabihin na sana ay magawa nya........kahit pilit lang.

“Sana…hawakan mo naman ang kamay ko kahit sandali. Yung mahigpit. Maramdaman ko man lang na nagiging akin ka kahit alam kong bibitaw ka din.”
Dahil ito na ang huli kong “EL-EMO” na ikaw ang dahilan……

Pipilitin kong gawin…. Ang makalimot!