Nasayang Lang!
Sunday, 1. November 2009, 00:13:27
by: Leonp.v
“Ikaw ba ang isang tao ngaun na humihiling ng pagbabago na sana pag-gising mo ay okey na ang lahat….. kasama dito ang tibok ng puso mo para sa kanya.”
“Sana walang magbago sa atin.”
Yan ang sinabi nya noong araw na sinagot mo sya para maging kayo na. Masaya kayo. Mahal ka nya. Mahal mo sya. Wala pang problema pero ngaun nagbago na sya ng taong mahal. Hindi na ikaw. Wala ng natira para sayo. Kung meron man ay awa na lang na baka masaktan ka nya ng sobra-sobra. Kaya naman sinabi nyang….
“Sana wala parin magbago sa ating dalawa…..na sana maging mag-kaibigan parin tayo.”
Habang sinasabi nya yan sayo ikaw ay Umiiyak. Nasasaktan. Ayaw mo pa. Sya parin ang mahal mo. Pero may nagbago sa kanya ang pagmamahal nya para sayo. Maraming tanong kung bakit ganito..ganyan…anong nangyari…sa huli ikaw lang ang masasaktan sa tanong at sagot na…..
“Bakit ka nagbago sa 'kin.?”
“Dahil….Hindi na kita mahal.”
“May bago ka na ba.?”
“………..Patawarin mo ko…… Mahal ko na sya.”
“Paano tayo?”
“Wala ng tayo.”
“Nagbago ka na nga….. hindi na ikaw ang taong minahal ko dati pero ang masakit lang Mahal Parin Kita”.
“I’m Sorry”.
“Bakit ka humihingi ng sorry.?”
“Dahil nasasaktan kita ngaun.”
“Hindi na ba talaga tayo pwede…..yung tayong dalawa ulit?.”
“Ayaw na kitang saktan…… Aalis na ko….”
Iniwan ka na nya. Nakatalikod palayo sayo. Alam mong may bago ng naghihintay sa kanya. Nakatayo ka sa isang tabi na sa kanyang pag-alis ang lahat ay magbabago sayo dahil lang sa “Wala na sya para pasayahin ka nya.”
Umaasa ka pa. Sana magbago sya at bumalik sayo. Hinihiling mo na sana bumalik ang dati na kayo parin. Masaya. Magkahalikan. Magkayakap. Magkasama. Pero sayang lang dahil ang lahat ay nagbago. Nawala lang ng ganun. Sa kanyang paglingon sayo papalayo…… bigla mong nasabi sa sarili mo na marahil…….
"Ako Lang Siguro Ang Nagmahal……………………"
Dahil sa kanyang pag-layo nakita mo sa kanyang mukha ang kaligayahan na sa wakas malaya na sila ng “bago” nya.







