LARO
Saturday, 10. October 2009, 05:45:56
by: leonp.v
”Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makiramdam? Huwag kang magpapakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka rin namang nasasaktan. Dahil imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?", bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?. Kung alam mong binabalewala kana, tanggapin mong nagsasawa na sya. Huwag kang magpapadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka". Dahil kung totoo yun papatunayan nila.” – Bob Ong
Nakayuko ako. Nagpapakabusy. Pero alam kong nasa paligid lang kita nakatingin sa akin. Gusto kitang tingnan. Gusto kong sabihin sayo na “Ikaw ang nanalo sa laro na walang pansinan”. Pero hindi……….dahil ngaun gusto ko ikaw ang unang lumapit at humingi ng “SORRY”.
Bakit ka ba ganyan…………
Ang tibay mo naman nagagawa mo kong hindi pansinin. Ramdam kong nakatitig ka lang sa akin na parang may gustong sabihin pero bakit ba ayaw mong lumapit. Ikaw lang naman ang hinihintay ko alam mo kasi isang “SORRY” lang talaga, okey na ko dun. Isang sorry lang talaga hindi mo pa maibigay sa akin.
“Dahil nasaktan ako sa ginawa mo”.
Pero isang lingo na ang nakakaraan mula ng mangyari yun. Okey na ko ngaun. Sabihin mo lang sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo na “sobrang nasaktan ako”. Pero bakit ba nagmamatigas ka o talaga lang na………..
“Ayaw mo na sa akin kaya ka nagkakaganyan ngaun”.
Habang lumalalim ang gabi ay unti-unting nagsisipag-uwian ang mga kasamahan natin. Hanggang sa TAYO NA LANG ULIT ang naiwan sa kwarto. Pero walang pansinan, walang kibuan, walang taasan ng kilay at kahit ano wala talaga parang hindi mo ko nakkita.
Nilingon kita hanggang sa hindi ko namamalayan na napapatitig na pala ako sayo halos maiyak na nga ako sa pagkakatitig ko sayo. Habang ang isip ko ay paulit-ulit na sinasabi ang katagang ito “tingnan mo ko, tingnan mo ko, tingnan mo ko”. Pero wala…….kahit na alam kong alam mong nakatitig ako sayo.
“Ang tibay mo talaga”.
Nagulat na lang ako na nakatayo ka na at pauwi na. Hindi ko na kinaya pa ang pananahimik mo kaya naman bago pa sya makarating sa pinto palabas (palayo sa akin) bigla ko syang tinawag sa pangalan nya at sinabi kong……………
“I’M SORRY”.
Natalo na naman ako sa laro namin.
Hindi sya gumalaw. Nakatayo lang sya habang nakatalikod sa akin. Ayaw talaga kong pansinin. Pero alam kong umiiyak na sya dahil nakikita kong pinupunasan nya ang kanyang mga luha gamit lang ang mga daliri nya. Bigla syang nagsalita ng……….
“Huwag ka ng humingi ng sorry…….tama na…..tapusin na natin tong LARO na to”.
“Tingnan mo ko,…..at sabihin mo sa aking isang laro lang ito”.
“Ayoko…..ayoko dahil baka MULI makipagbalikan ako sayo ng dahil sa AWA”.
……………………………………………
Bigla syang umalis habang ako ay naiwan na nag-iisa sa isang kwarto na puno ng aming alaala na isa palang playground para sa kanya. Isang laro na ako ang naging talunan na kapag natatalo ay nakukuhang umiyak sa isang sulok. Gusto ko syang tanongin kung “saan ako nagkamali at nagkulang?” pero para saan pa diba!..... kung para sa kanya ang laro na ito ay…………
“GAME OVER NA”.









Anonymous # 10. October 2009, 15:30
Awww.. ang sakit naman! Yoko ng ganyang laro... "walang pansinan"? Kaya lang wala eh... kahit masakit na kailangan pa rin magtiis... pride!
Mahirap makipag laro, lalo kung hindi mo lam na nadadaya ka na pala, minsan game over na di mo pa alam.. pero mas masakit yung talo ka na nga... susugal ka pa rin kahit alam mong dinaya ka.
For me, there's no such thing as game of love... what love can do is beyond your control. Sumaya, Umiyak ka, masaktan ka man... nagmahal ka eh. That's the bottom line... NAGMAHAL ka! Love sometimes is pain... we have to deal with it, live with it... hmm love it! ^^
Cheers!
Leonp.v # 10. October 2009, 16:17
tama lahat ng sinabi mo pero ganun talaga eh kapag mahal mo. . . .mahal mo talaga. Kahit muka ka ng tanga. Isusugal mo lahat at nagbabakasakali ka na pwede pang maging kayo.
Pero lahat natatapos kapag talagang sobrang sakit na. Wala ka ng choice kundi ang bumitiw na at tapusin na lang ng ganun. . . . .
Ganun talaga yun eh uulitin ko lang ang sinabi mo. "Nagmahal ka eh".
Anonymous # 10. October 2009, 16:52
Yep.. gising pa ko! hehe
Nakita ko nga rin yung comment mo kay sows (lalaki pala) kaya balik ako dito, check ko kung may reply... Ayun, meron nga! hehe
Newei... ganun nga yata talaga... love is not blind, lovers do! Ahhh... connection? hehe
Daneru Yuu Jin # 10. October 2009, 17:19
anyway, NANALO AKO! (sorry ah, wala naman talagang laro eh... kaso, dun nauwi sa "hindi na kita mahal," alam ko nagdurusa ka pero mas mahihirapan ka kung di natin to ihihinto - totoo para sayo, ngunit mistulang laro na lang sa akin.) - anjong / taga-bundok
hi Noel and Teentoinks! hmmnnn, si Sows lalake?! hehe...
Leonp.v # 10. October 2009, 17:34
@daneru: sana okey ka lang ngaun? Huwag mong isipin yun mahal ka nun.
Tama lalaki nga si sows marami rin ang nagulat.
@anjong/taga-bundok: "hindi na kita mahal" yan na yan eh. Wala ng kailangan pang ipaliwanag jan. Bagkos ay tinatanggap na lang.
Masakit talaga yan! (promise masakit talagang masabihan ng "hindi na kita mahal")
Anonymous # 11. October 2009, 16:21
@Noel & Daneru/Anjong/taga-bundok:
HELLO! Sandali parang nagulo ako hehe... kay Daneru bang story toh? (nanyismis) hehe
Newei, osya sige kung di na mahal mas maganda na yung maging BRUTALLY HONEST ka kesa... KILLING ME SOFTLY ang maging drama ng iniwan!
Anonymous # 12. October 2009, 01:26
waaah..! bakit ganun parang halos lahat ng sulat mu nakakarelate ako haha.. hay' ganyan ang ngyayare saken ngayon hindi ko sya gustong saktan pero anjan pa rin xa, umaasa.. lahat ginagawa para mapatunayan,nghihintay na baka sakaling bumalik ako.. para sa knya malapit na rin siyang bumigay, sumuko sa sitwasyon.. ung tipong masasabing "GAME OVER NA" masakit rin para saken, pero gustuhin ko mang bumalik.. ayoko nmang makasakit..
Leonp.v # 12. October 2009, 09:17
masakit man pero kailangang gawin ang "maghiwalay" dahil sa rason na "out of love".
@mhAy: hello, nakita na pala kita sa facebook (ang cute mo pala) hehehe
same thing with daneru siguro ang sitwasyon mo magkaiba lang ng ere sa feelings. Mas sasaktan mo sya kung makikipagbalikan ka ng dahil sa "ayaw mo syang saktan hindi dahil sa mahal mo sya dahil kailangan mo sya".
wait, wait, wait may naalala akong famous line "mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko or kailangan mo ko kaya mahal mo ko" by claudine from the movie "milan"
alam mo minsan basta may tiwala, acceptance, care, understanding at kahit walang malalim na pagmamahal na involved pwede naman ituloy ang isang relasyon dahil minsan totoo na nadedevoloped lang ang pagmamahal na yan eh. (say chiz). Pero depende padin naman sa sitwasyon yan at sa dalawang taong nagkakaintindihan.
"I NEED YOU BECAUSE I LOVE YOU or I LOVE YOU BECAUSE I NEED YOU".?
peace and love - teentoinks, daneru and mhAy.
P.S: parang magandang e-blog to ah hehehe
Anonymous # 12. October 2009, 14:06
Hello everyone...
Napadaan lang din... musta ba? Bat lutang ang isip? Eh umpisahan na uli ang tagayan. joke! :)
Uy.. ingats ha!
Leonp.v # 12. October 2009, 14:23
Uy, . . . Ingat ka din po.
Anonymous # 12. October 2009, 15:01
hahaha... gulat naman ako sa panggugulat. Natawa lang ako, bat ba kasi kailangan pang taas ang kamay! hehehe
Daneru Yuu Jin # 12. October 2009, 20:02
"Gusto kong maglaro... Pero ayokong paglaruan ako." - taga-bundok
Anonymous # 13. October 2009, 02:23
oha oha...hehe..,
bkt hnd nmn kta pinaglalaruan ah..
:wink:
Anonymous # 13. October 2009, 02:26
sowsko leon, inlababo ka ba?
hrap neto...
stay hapi lng.. God bless..
Anonymous # 13. October 2009, 07:17
di nman leon :).. hindi naman sa gusto kong makipagbalikan sa knyan kasi kelangan ayaw ko syang saktan, mahal ko sya as in yun nga lang pinabayaan niya ko dati kaya aun nagkabf ako.. at hindi ko nman alam na mgiging ganto kaseryoso, kaya wala na kaming nagawa..
at wala siyang magawa kundi tanggapin na wala na ko sknya, pero ang totoo mahal ko pa tlaga xa.. sbi nga nila db, mas maige na matutunan mong mahalin ung present kesa sa past dahil pg bumalik ka sa nakaraan paulet ulet ka pa rin nilang sasaktan..
tc leonp.v :)
Anonymous # 14. October 2009, 09:27
tsk tsk! it hurts!
Anonymous # 15. October 2009, 12:13
hoy hoy! anong kaguluhan to? bket ako ang topic d2! magtigil kau! im 100% gay! este girl!
babae ako! paghahalikan ko kau eh! :lol:
story un nung email sender ko! abay mga !@#$%^&* mga to ah! hehe..
Anonymous # 15. October 2009, 12:16
about the topic, love doesnt equate stupidity (pahiram ax wla akong masabi eh..)
love yourself din para ur loveable..konek? :lol:
Anonymous # 18. October 2009, 17:17
Busy busyhan ah.. Napadaan po uli! :)
Anonymous # 19. October 2009, 01:53
GAME OVER NA NGA TALAGA PARA SA KANYA..!
WAAAHH.. ANSAKIT.! :(
DI KO KAYANG MAWALA XA..