Skip navigation.

★"Masasamang Damo"★

PAUNAWA: Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung bata kang "advanced"?, patnubayan mo ang iyong magulang. Ang lahat ng nakalathala ay mula sa mapang-likhang isip at hango sa ibat-ibang karanasan ng mga nasa paligid. ◎gamit ang Opera Mini 4.2 ◎

Posts tagged with "Pahina"

STICKY POST

Pahina 7 : Tula ng Isang Lasing

Paunawa: Patnubay ng Magulang ay kailangan..

Read more...

STICKY POST

Pahina 6 : Usap Lasing

Kung di ka pa katitikim ng alak, e.,, tumikim ka na para lubos mong maintindihan, kung ayaw mo naman e ok lang, pero ganito ang tama sa akin ng alak. 5 na taon ako noon nong una kong tikim ng beer, inilagay ng uncle ko sa inuman ko ng gatas na kulay yellow na basong plastic, akala kn masarap dahil nakaka-ingganyo ang bula, sabay luwa mula sa maasim kong mukha. Tawanan naman ang lahat sa nakita. 13 anyos, 1st year hs, unang tikim ng lambanog na hinaluan ng softdrinks na royal tru-orange, sa stage pa ng skul, pero gabi naman. Pangit ng lasa pero para kang nananaginip ng gising na walang iniisip na kapahamakan. Kinabukasan, masakit ang ulo, di makapasok sa skul, parang gusto kong buksan ang ulo ko para kunin yung kung ano mang masakit. Di pa rin nadala! Tuloy pa rin sa inom, tuloy sa alak attack, tuloy sa panawagan ng pangangailangan ng tawag nitong kabataan. Mapusok, mapangahas, agresibo de tarantado mang-uulok para basagulero. Walang katapusan na inuman, kada gabi todo pag okasyon. Kwentuhan, halak-hakan, tawanan ng tawanan, minsan iyakan, minsan nauuwi sa awayan.
Marahil yon talaga ang nature ng alak, ang ilabas ang ano mang natatagong ninanais na saloobin, mabuti man o masama. Palibhasa sa aming bayang maka-sining ay parang kanin lang ang alak, kaya naman pag-nag-inom, bigay todo, ok lang na sumuka ka o mahiga sa sahig dahil sa kalasingan. Ihatid ka na lang pagkatapos. Pang-araw-araw na, dala hanggang sa kolehiyo ang pag-iinom, madaling-araw na kung umuwi, madalas sa barkada na nakiki-tulog. Malimit na kaming laman ng mga nakahelerang inuman sa maynila, pasig,quezon city, antipolo, ang kung saan-saan pa. Hanggang sa nakapag-trabaho, kapiling pa rin ang alak, maging sa lungkot at ligaya. Pero kadalasan ay lungkot. Kaya naman na minabuti ko na pag-aralan ang alak kung ano ang epekto nito sa katawan at sa akin isipan na madalas na gumu-gupo sa akin. Una, masarap na sya para sa akin, marami akong naiisip na gustong ipinta o gawin, pangalawa di ko sya mapigilan na sundan pa ng isang tagay once na matikman ko na, nagiging makata ako at hilig ang magsulat ng tula pag-lasing, mas ma-bulaklak ang isip. Ngunit may problema nong sumapit ang edad ko sa 29, mawawala na ako sa sarili kapag nasobrahan, di na alam ang ginagawa, kadalasan ay di maganda sa paningin ng iba lalo na sa mga di nakakakilala. Sinubukan kong malasing na mag-isa, sa kwarto lang, todo bigay, unang tagay, kuyumus pa ang mukha, pangalawa, medyo mapula na ang hasang, pangatlo, nadoble na ang tagay, panglima, dumulas na, humawak na ng gitara, tumagay, kumanta, tumipa, tumagay uli, hanggang sa tamaan na, sa loob ng 2 oras naka-buo ng kanta. Sumaya, tumagay, tumug-tog, kumanta, mas nalasing ng sumagi sa isip ang mga malulungkot na nakaraan, hanggang sa di na mapigilan ang luha, humihikbi, tulo na ang uhog, sabay kuha ng papel at nag-sulat. Tumutula. Kinabukasan, tinanghali na ang gising, di alam ang huling nangyari kagabi. Dali-dali kong tinungo ang makalat na lamesa para basahin ang saloobin ng isang karaniwang-taong galit na naghihinagpis. Basahin natin ang tula ng isang taong minsan ay nagalit sa mundo.

susunod...

Read more...

STICKY POST

Pahina 5 : Bawat Taon

Bawat taon ay nadadagdagan tayo ng edad, pero hindi lang ng edad, kundi kasama.,

Read more...

STICKY POST

Pahina 4 : Bagong Gising

Maganda ang sikat ng araw, malamig-lamig ang panahon, nangangamoy na ang kape. Ano naman kaya ang magaganap ngayong araw na ito. Kailangan ko nang matapos ng maaga ang panregalo kong paintings.

Read more...

STICKY POST

Pahina 3 : Bagong Taon - Bagong Buhay

Natapos na naman ang isang taon, sa iba, sasabihing ang bilis ng panahon, sa iba parang ang bagal, sa edad ko ngayon 41, ibang-iba na ang gusto kasya nong kabataan, parang mauubusan ng bukas, pag-nakakita ng magandang chick na mas may edad, gusto tumanda na agad, edad 21 hanggang 25, agresibo na, ma-pride!, walang kinatatakutan, galingin ika nga, araw-araw nag-iinom. 27, boring na ang toma, paulit-ulit na ang kwentuhan, parang sirang CD., trabaho na ang gusto, at nagbubuo na sa utak ng pangarap, hinahanap na ang linyang babagayan, minsan, pag nalasing, sinasabing taga-ibang planeta, nakakalimut na sa sarili., litong-lito na sa paligid, litong-lito na sa buhay, pati iba, damay. Minsan, naiisip na isang atom na nakulong sa katawan ng tao., mahiwaga,. Ngayon, mas interesado na ako sa buhay, sa kapayapaan. Kapag may uma-asa na sa yo, iba ka na pala mag-isip, mas may puso, may pagmamahal. Ito ang kwentuhan namin nitong aking mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, mga taong makasining, iba-ibang lahi, iba-ibang uri at iba't iba ang paniniwala, kaya minsan umaabot sa diskusyon, di naman nag-aaway, pag-malapit na don, tugtugan lang ang katapat, sa bawat pag-uusap, mas lumalabas na ang musika ay malaki ang ambag sa kapayapaan, gamitin lang ng maayos. Ang pakalmahin ang mainit na pagtatalo ng isang katoliko, protestante, sabadista, iglesia, meron pang saksi, kumunista. Papanig ka ba?


susunod...

Read more...

STICKY POST

Pahina 2 : Pasyal

Magulo na sa bahay, maka-pasyal muna.

Read more...

Pahina 7 : Tula ng Isang Lasing

Paunawa: Patnubay ng Magulang ay kailangan..

Read more...

Download Opera, the fastest and most secure browser
December 2009
S M T W T F S
November 2009January 2010
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31