Pahina 6 : Usap Lasing
Thursday, 8. January 2009, 04:59:29
Marahil yon talaga ang nature ng alak, ang ilabas ang ano mang natatagong ninanais na saloobin, mabuti man o masama. Palibhasa sa aming bayang maka-sining ay parang kanin lang ang alak, kaya naman pag-nag-inom, bigay todo, ok lang na sumuka ka o mahiga sa sahig dahil sa kalasingan. Ihatid ka na lang pagkatapos. Pang-araw-araw na, dala hanggang sa kolehiyo ang pag-iinom, madaling-araw na kung umuwi, madalas sa barkada na nakiki-tulog. Malimit na kaming laman ng mga nakahelerang inuman sa maynila, pasig,quezon city, antipolo, ang kung saan-saan pa. Hanggang sa nakapag-trabaho, kapiling pa rin ang alak, maging sa lungkot at ligaya. Pero kadalasan ay lungkot. Kaya naman na minabuti ko na pag-aralan ang alak kung ano ang epekto nito sa katawan at sa akin isipan na madalas na gumu-gupo sa akin. Una, masarap na sya para sa akin, marami akong naiisip na gustong ipinta o gawin, pangalawa di ko sya mapigilan na sundan pa ng isang tagay once na matikman ko na, nagiging makata ako at hilig ang magsulat ng tula pag-lasing, mas ma-bulaklak ang isip. Ngunit may problema nong sumapit ang edad ko sa 29, mawawala na ako sa sarili kapag nasobrahan, di na alam ang ginagawa, kadalasan ay di maganda sa paningin ng iba lalo na sa mga di nakakakilala. Sinubukan kong malasing na mag-isa, sa kwarto lang, todo bigay, unang tagay, kuyumus pa ang mukha, pangalawa, medyo mapula na ang hasang, pangatlo, nadoble na ang tagay, panglima, dumulas na, humawak na ng gitara, tumagay, kumanta, tumipa, tumagay uli, hanggang sa tamaan na, sa loob ng 2 oras naka-buo ng kanta. Sumaya, tumagay, tumug-tog, kumanta, mas nalasing ng sumagi sa isip ang mga malulungkot na nakaraan, hanggang sa di na mapigilan ang luha, humihikbi, tulo na ang uhog, sabay kuha ng papel at nag-sulat. Tumutula. Kinabukasan, tinanghali na ang gising, di alam ang huling nangyari kagabi. Dali-dali kong tinungo ang makalat na lamesa para basahin ang saloobin ng isang karaniwang-taong galit na naghihinagpis. Basahin natin ang tula ng isang taong minsan ay nagalit sa mundo.
susunod...
...
















How to use Quote function: